By: Maria Sophia Ignacio - 10-Hope
Isinagawa sa Gymnasium ng Raises Annex building ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Wikang Katutubo tungo sa Wikang Pambansa” na isinasabuhay ang pagpapahalaga sa sinaunang wika ng ating bansa. Ito ay ginanap noong ika-28 ng Agosto 2019. Ang programa ay pinangunahan ni Ginang Trixie B. Altamirano, guro na nagpakadalubhasa sa Asignaturang Filipino at nang mga mag-aaral mula sa baitang 7 hanggang 12 na nahati sa dalawang antas: ang mababa at mataas.
Ang bawat antas ay magtatanghal ng iba’t ibang katutubong sayaw. Ito ay hinusgahan ng mga nata- tanging hurado mula sa departamento ng elementarya ng Raises para sa natatanging pagtatanghal.
Ang mababang antas ay kinabibilangan ng baitang 7 at 8 habang ang mataas na antas ay kinabibi-
langan ng baitang 9 hanggang 12. Bawat pagtatanghal ng baitang ay binubuo ng panimula kung saan magbibigay ang kada baitang ng maikling paliwanag patungkol sa kanilang sayaw bago nila ipakita ang kanilang pinaghadaan.
Mula sa mababang antas, ang nagkamit ng unang gantimpala ay ang baitang 7 Blessed sa awit na “Kunday-kunday”. Ang nagkamit naman ng ikalawang gantimpala ay ang baitang 8 Witty na nagtanghal ng “Cariñosa”. Para sa ikatlong gantimpala, ang nagkamit ay ang baitang 8 Wisdom sa himig na “Tiklos”.
Sa mataas na antas naman, Sayaw sa Salakot ang nagkamit ng unang karangalan mula sa baitang 10 Hope. Ang nagkamit ng ikalawang gantimpala ay ang baitang 12 Prudence na nagtanghal ng “Tinikling”. Para sa ikatlong gantimpala, ang nagkamit ay “Abaruray” ng baitang 10 Love.
Ang selebrasyon na ito ay nakatulong upang mabuhay sa isipan ng bawat mag-aaral ng eskwelahan ang kahalagahan ng Wikang Katutubo at ang kasaysayan nito.
Comments