top of page

Kaibigan

By: Lorain Sausa 9-Glory


Sa bawat sandali ng ating buhay

May mga tao tayong nakakasalamuha

May ‘di magkakahalintulad ng ugali

May iba’t ibang katangiang namamayani


Pero noong una tayong magkita

Dito sa silid paaralan

Magkalapit ang ating mga upuan

At laging magkakwentuhan nang matagal


Mga pinag-uusapan ay tungkol sa buhay

Mga pinagkakaabalahan at karanasan

Paulit-ulit lang ang sinasabi

Pero ito’y ating napagkakatuwaan


Lumalabas tayo ng hindi nakauniporme

Kumakain at nanunuod ng sine

Nag-iipon ng alaala na magkasama

Ito ang pagkakaibigan na ‘di ko makakalimutan

bottom of page